sino nga ba talaga ako. kung sa part ng finding myself, nawawala pa rin ako. kung idedefine ko ang sarili ko sa mga salita. kaya pa naman kahit papaano.
isa akong hopeless romantic, hindi alam ng ibang tao yan, at sa tingin ko malabo ding makita ng mga tao sa paligid ko iyan. hindi naman ako matalinong tao, matalinaw at times pero hindi naman lagi. kahit papaano meron parin naman akong mga pinanghahawakang mga virtues na tinutupad ko sa abot ng aking makakaya. mahirap pero eto ako ngayon. sa status ko ngayn, hindi ko sasabihing nadadalian, komportable at masaya ako. seryoso, nahihirapan ako sa status ko ngayon. nakakaiyak pero hindi ako makaiyak, grabehan. nandun na ako sa part na titiklop na ako dahil hindi nga ganun kadali. nakakatae na hindi mo malaman pero kailangan mo paring maglakad papunta sa kung saan ka dadalhin ng hangin, go with the flow.
nagtatago ako sa blogger for a simple reason, tinataguan ko yung mga may kilala sa akin, nakakaasar minsan kapag ginagawa mo yung gusto mo, nag eexpress ka kaso wala ka namang makuhang simpathy galing dun. panlalait lang. hindi ko namang sinasabi na talagang nilalait ako pero nababansagan na akong "emo" dahil sa pag eexpress ko. una, hindi ko kinoconsider na ganun ako at magandang masabihan ako ng ganun... hindi ko alam....
dito naman, hindi ko alam kung magkakaroon ng simpathy, hindi ko alam kung may makikinig. pero bahala na. mabuti na ung ganito na hindi ako kilala dito. well.
hindi ko sususbukan na maghanap ng simpathy pero tuloy tuloy kong gagawin ito dahil ito lang ang simple debriefing ng isang taong gulo na sa buhay pero lumalaban kahit papaano.
Wednesday, August 20, 2008
tumengga sa utak ko ng 2 araw.. dahil sa katamaran ng isang tamad
actually dapat kahapon pa ako nag blog, ang kaso mo, walang kasing tamad ang katawan ko. marami akong naiisiip na pwedeng isalang dito. kaso, nawala na. ganun talaga.,. kapag may naisip ka tapos hindi mo kaagad inasikaso na isa papel. mawawala na lang at kahit anong hagilap mo sa utak mo, hindi mo na makikita. ang iniisip ko, ay dumadating na lang na parang bula, at nawawala na rin na parang bula.
pero swerte ko, may naalala ako kahit konti.
ang konsepto ng possibility at probability.
naisip ko ito dahil sa subject kong prob and stat. may probability. parehas lang ang concept ng probability at possibility, dun pumapasok yung chance. chance para tumama at chance para maging mali. kung sa coin, pag nag toss ka, kung fair ang coin [yung bagong gawa na flat parehas ang side] may 49.5% possibility na head at 49.5% na tail. yung .1 percent, na tumayo yung coin. kung gagamitin mo ang probability, walang percentage na tumayo yung coin. 50-50, flat. laging may chances, yung iba, hindi napapansin sa sobrang liit ng probability, yung iba wala daw posibilidad. pero meron at meron pa rin. ang isang maganda, matalino, matangkad. kung baga anghel sa lupa o beauty queen o pwede rin namang isang perpektong gawa ng diyos. ay meron 1X10^-3 million chance na mainlove sa isang mediocre, wlang asensong tao. parang kasing size ng probability na manalo ka sa lotto. maliit ang chance, pero meron parin.
concept ng probability eh parehas lang ng possibility, the difference is numerical aspect ng prob. merong numero ang pinagbabasehan. ang possibility nman ay parang chambahan pero meron parin na basis. minsan sa sobrang liit ng outcome eh malabo. kung sasabihin mo na ang pwedeng outcome eh sin liit na ng kuto ng kuto ng kuto ng dandruff eh meron parin. pure luck ang sinasabi pag nakuha mo tulad ng lotto. pero minsan ang akala mong malabo eh posible. minsan, may time na papanigan ka ng lahat ng superpowers ng tadhana, so lalaki ang chance mo, dagdagan mo pa ng dasal at kung ano pa ang pwede mong mabili sa mga pampaswerte shops. baka sakali, kasi pwede, sumugal at matalo pero yun ang nagpapasarap sa pagkapanalo ng isang tao.

Friday, August 15, 2008
paano kaya?
posible daw talagang tamarin ang tao kapag hindi niya gusto ang ginagawa niya. ang sabi nga ng mga kakilala ko eh. talagang ganun daw. tatamarin ka kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo. eh ang anong paano kung kailangan mong gawin. paano kung ang buong kapaligiran na ginagalawan mo eh sumasangayon sa kabaliktaran ng gusto ng katawan mo?
pero, meron paring part na gusto mong ituloy ang ginagawa mo kahit na mali, kahit na parang sa linya na iyon eh hindi ka magiging masaya. pilitin man at paikot ikutin man ang batok nito. hindi parin ii-swak sa panlasa mo.
kailangan mong gawin kasi yun ang gusto ng maraming tao at pagkatapos daw nun eh magiging ok ang lahat. pero alam mo sa sarili mo na hindi ka dun at marami kang mas magagawang maganda dun sa linya mo. mas magiging kapakipakinabang ka kung dun sa gusto mo ikaw lulugar.
ito na ngayon, hindi ka na makapili at parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa sa ngayon at desisyon mo nlng ang makakapgpabago sa mga pangyayari nito, pwedeng sa huli ay mag dusa ka o sa huli eh manalo ka.
ang kapalit ng second choice eh ulit ka sa umpisa pero maguumpisa ka na masaya dahil gusto mo ang gagawin mo at handa kang magsakripisyo ng kahit ano para lang dito, ang unang choice eh naumpisahan mo na konti nlng finish line ka na. ang kaso mo gumagapang ka na sa hirap , hingal na hingal ka na at konti nlng pipikit na ang mga mata mo.
ang isa pang circumstance ay kapos na kayo sa resources. pero kada oras na sinasayang mo eh baka mas malaki pa ang mawala sa iyo
may choices ka. at ang posibleng ibatong tanong sa iyo ay.
ano ang mas matimbang? laban o bawi?
hindi ako makapili, kaasar. choosy kasi ang tadhana. parang nakakapang loko.

Tuesday, August 12, 2008
totoo
tagal n ring hindi nakakapagblog.... sauce... simple lang kasi... tinatamad ako sa maraming bagay...
tamad mag aral, tamad kumain, tamad maglaro, tamad sa lahat... kulang na nga lang eh tamarin ng huminga... grabe... kahit mag isip kinakatamaran na, yan ang gawain ng mga adik...
hindi ko alam, basta bigla na lang dumating ng walang sabi sabi... parang kabute na tumubo na lang sa kili kili ng hindi naliligo...
pero tulad ng kabuti, at tulad ng lahat ng bagay. meron kang makukuha, mapipitas. maganda man o panget, meron kang pakikinabangan... kahit papaano... problema, kasarapan. may makukuha ka o kahit na sa pinaka sira ulong tao sa buong mundo o pinaka gago manat sa pinaka matalino..meron at meron, nasa iyo nlng kung mumulat ka sa binibigay nila o pipikit na lang kesa dumugo ang ilong mo.
hindi ako magaling gumawa ng mga desisyon... masaklap. kasi laging sablay. ang pangit nga kasi madalas din na hindi ako maka hindi o hindi ako maka oo. mahirap kasi minsan naiipit ka ng hindi oras.
wala na yung kuting ng pusa namin, inalis na sa bahay dahil malupit mag dumi... dinala sa kung saan mang lugar ni inay. kailangan din kasi at alam ko namang nag alala lang siya. pero sa huli, lahat malungkot, kahit na yung mismong nanay ng mga kuting malungkot at naghihintay na baka nag laro lang at babalik ang mga ito pero hindi pala. sa huli, kahit na panalo eh parang mali din ang pakiramdam. wala na ang mga nagkakalat na kuting pero masaya sana silang pagmasdan kapag naglalaro, kahit papaano pang tanggal ng pagod sa mga bagay bagay sa araw araw.
lugi ka kapag wala kang laban, kahit na mag sumamo ka pa sa buong mundo na may gusto kang gawin o ayaw ma pahiwalay, lugi ka kapag ang mga taong pumapalibot sa iyo ay walang pakialam at ang concern lang ay ang mga sarili nilang alam, ganyan tumatakbo ang mundo, kung wala ka, wala kang palag sa gagawin sa iyo ng tadhana, wala kang palag sa mga bagay bagay at saka mo matatawag ang buhay na hindi fair. totoo, hindi talaga patas ang buhay, wala kang laban sa kawalan na kalaban mo simula pa lang nung pinanganak ka, kalungkutan, pighati, pasakit, saya, magaan. dumadaan yan, minsan sabay sabay, minsan isang malaking dagok, minsan akala mo hindi ka na makakabawi. minsan totoo, at minsan hindi. may laban ka man o wala, kung isa ka sa mga kilala o para kang kulangot sa tabi na pinahid sa pader. minsan mas gugustuhin mo pang malunod sa isang mundo ng panaginip at mamuhay na lang duon ng panghabang buhay, pero wala kang magawa dahil sa isang araw eh magigising ka na lang. minsan sa malungkot na parte ng panaginip at minsan naman sa masaya na parte. minsan lugi talaga, ang inaasahan ay hindi natutupad at ang hindi inaasahan ang lalabas. san ka ba talaga lulugar? magpapakabaliw sa tabi o lalaban ng sabayan kahit na hindi mo sigurado ang kakalabasan at sa huli, lugi at uuwi kang luhaan. lahat may hinahanap, mga bagay na hindi mahanap o kaya nman eh hindi talaga nagpapahanap. may nagsusumamo at naghahanap ng katarungan sa bagay na ipinaglalaban pero sa huli kahit na sabihing nakuha na nila ang hustisya, kulang pa rin. hustisya, isang salita na marami ang kahulugan, pwedeng totoo. at pwedeng hindi. mapapaiyak ka kapag wala nito [sabi ng iba] pero mapapaiyak ka kapag meron nito. lagi kang may choices, hindi parang kape kung hindi sa lahat ng bagay, papasa ka o babagsak. pagsigurado ka ng babagsak, babagsak ka ba ng todong todo o babagsak ng konti lang. pupunta ka ba sa kanan o sa kaliwa. may pagpipilian ka pero nakapikit ka kapag pumili, isa lang ang nakikita mo pero hindi mo pa nakikita ang isa. mahirap o madali, nabubuhay ka, dahil nandyan ka na. kung gusto mong magpakamatay, o mabuhay. kung gusto mong pumili o hindi. gusto mong magmukmok o hindi. hindi man o oo, lugi ka man o hindi, magulo man o maayos. buhay ka, humihinga, natutulog at nananaginip.
minsan mas ramdam mo na totoo ka kapag natutulog, mas masarap dahil parang isang tv na nakikita mo ang sarili. minsan kailangan mong pagtuunan na pag gising ka ay hindi totoo ang lahat at pag nananaginip ka ay minsan totoo... nasaraduhan lang ng tinatawag na 'standards' ang buhay at pananaw. malay mo baka ang totoong mundo ay ang panaginip at nabubuhay lang tayo sa kasinungalingan kapag gising. o baliktad. maraming posibilidad na sarado ang utak ng tao sa mga bagay na ito
.
kailangan ko ng bumalik sa tunay na mundo.
hindi gaanong madali pero totoo...

Monday, July 14, 2008
pers blog
the first blog in the blogger. hindi na iba sa akin ang pag bo-blog ang kaso mo, medyo nakakasawa na ang mag blog sa lugar na kilala ka na. ayus na rin siguro dito pero baka hindi rin ayus... for shure walang magbabasa ng blog kong ito dahil isa lang akong tutubi dito sa cyber world, non the less, i can write kung ano ang gusto ko...
kakaumpisa ko pa lang so wala lahat. pero ayus lang... no problemo... kaya ako nandito eh para mag tago at magingay sa isang lugar na may kanya kanyang gawain...
nandito din ako para magnilay nilay, walang post ng pictures walang makakaalam... kung sino ako unless na mag pakilala ako... ewan ko na lang.
so i'll introduce myself . . . kahit na walang nakakakilala sa akin.
ako ay isang estudyante... isang 3rd year bs. ece student pero not for long kasi mahirap yung mga subjects namin kaya ayun... nanganganib na ang aking kinabukasan. simpleng tao ako, alanganing tumatawid sa kalsada, tumutuhod ng streetfoods dyan sa may kanto... nagtatago ako dahil mahirap lang ako... maraming pinagkakautangan... ayows...
mahilig akong magdrowing at yan ang ginagawa ko sa klase kapag wala kaming ginagawa... mahilig akong magsulat, pero dito sa lugar na ito, mahilig akong magtype. mahilig akong mag express sa pamamagitan nito at hindi yung actual. isa akong gagong estudyante na medyo patapon na ang buhay. pilit kong inaayos ang mga mali na dapat ay mali at minamali ang mga tama. isang abnormal na tao na napakarami ng tanong sa buhay.
maingay ako, alam ng iba iyon pero ang iba walang alam sa kung ano ako. mahilig akong magpatawa pero sa sarili ko hirap akong tumawa.
ginagawa ko ito hindi dahil sa wala akong magawa pero dahil sa gusto kong may magawa.
magulo akong tao, medyo maayos din. tamad na masipag.

Subscribe to:
Comments (Atom)